Sunday, March 7, 2010

Duty Materials Reincarnated

Ever wonder what happened to the contents of your duty bag? This is a repost. Go read and agree!

Anu-ano na nga ba ang kinahihinatnan ng mga paraphernalia na naging kaagapay mo habang lumaki ng 'di mo inaasahan ang eye bags mo? Nasaan na ba ang lahat ng gamit sa loob ng CHN bag na pinagastuhan mo ng 25 peso para maautoclave at' di mo naman nagamit? Nasaan na sila? Namiss mo ba sila?

Thermometer

First Year. Remember that time na grabe ang aral mo just to pass the very first return demo? bwahaha.. todo effort at yun lang pala yun. Remember to read the therm leveled to the eye. One must also remember all those sequence kung panu pahiran ng sari-saring cotton balls ang therm and it end up na CB with alcohol lang pala ang magagamit sa area. Makailang beses ka nga ba bumili nito noong nasa pedia ward ka? Ako, mga tatlo or apat. Anyway, non-existent na ngayon ang bagay na ito. Kung hindi mabasag malamang ginagamit mo pa ito ngayon kung sa tingin mo ay may impeksyon ka at kailangan ng lumunok ng tempra. Digital na pala ang uso ngayon, meron ng thermo na nagbebeep kung nakuha na ang temp ng pasyente. Just add .5 degree Centigrade. Bawal na ang mercury.

BP app

Nalabhan mo ba ang parang tela nyan na binabalot mo sa maskulado mong pasyente? Kung hindi pa, labhan mo. Ngayon, for the unemployed professional, ito ang pinakasikat. Ito ang apparatus na pinupunta ng mga kabitbahay mo if ever nahihilo sila at kailangan na ng calcium-channel blocker, ACE inhibitor, or diuretics. Since nars ka, ang taging mapapayo mo lang sa mga hypertensive patients na to ay ang magpahinga at the moment o di kaya'y tumawag ng taxi para dalhin na sila sa ospital. If ever na magkaseizure yan or TIA, alam mo ba ang dapat mong gawin?

Tray


Ang tray mong versatile ay talagang napatunayang versatile. Ngayon ito ay nagkacamouflage na sa mga kamatis sa kusina. Perfect! Ito yong karga2x mo noong naatasan kang maging med nurse. Hmmm... naging kaagapay mo din ito noong nag-assist ka sa JI na hindi marunong ng aseptic technique sa pagwound dressing ng pasyente sa surgical ward. Oh well, memories with your tray... Ngayon, katulong na siya ng nanay mo sa pag-organize ng kusina.

Bandage Scissor

Gift-wrapping, pamputol ng sinulid, minsan nail-cutter, minsan pambutas ng acetone, at maari rin gawing abredor yan ang bandage scissor. At isa pa pala, pangupit din ito ng buntot ng isda. Cute noh? resourcefulness. Asset talaga ang bandage scissor. May nakaengraved pa sa kagat niyan na name at BSN class churva. Naalala mo pa ba nong nagreturn demo ka? Hmmm... naging mabisa itong panggupit ng leukoplast while inaanchor mo ang NGT sa ilong ni Mr. Chase. Ito din ang bala mo habang binubulikat ng residente ang ugat ng pasyente for venoclysis. Tumayo ka with the bandage scissor and with that you carefully cut the leukoplast and let it adhere on the IV pole.

Cotton Applicator

The best! Dahil marami pang natira sa PHN bag mo, napagtripan ng kapatid mong gawin itong cotton buds. Kumusta naman yun? Sterile cotton buds. At kung mahilig kang gumawa ng kung anu-anong kaartehan sa kuko mo, pwede itong gawing panlinis ng nagkalat na nail polish sa gilid ng iyong kuko. Lagyan mo lang ng acetone at slowly clean the "stained" skin of your finger. Moreover, this cotton applicator is also useful kung may singaw or canker sore ka. Just place a little of the canker sore drop on the applicator and idiin mo sa singgaw at sumigaw ka sa hapdi.

Clinical Bag

Ito yung mabigat. Ang tila precipitating factor sa scoliosis. Am bigat di ba? Andami mo kasing dala pero tinatago mo lang naman ang 75% ng laman nito sa locker habang nasa duty. Ang clinical bag na ito ay nilalagyan mo rin ng toothbrush, undies, extra-uniform sa tuwing maasign ka sa malayong lugar for DR completion. Ngayon, pwede mo itong gawing travel buddy sa lahat ng out-of-towns mo. Hindi siya masyadong malaki, hindi rin maliit, tamang-tama lang para lagyan ng damit at personal stuffs. Well, sana hindi pa sira ang bag mo, ang sa amin kasi ay Kamaru ang tatak. Matibay at buhay na buhay pa ngayon with matching college logo.

At Iba pa

Ibigay mo na lang sa lower years o di kaya sa mga pasyenteng kapos if ever pinapractice mo na ang iyong propesyon. Marami ka kasing maiipon, kelly curved at straight, syringes, needles, bulb syringe, yung catheter, mga med cups, etc... kawang-gawa kung baga.


If ever i'll be a dean... if ever lang naman. I'll be practical. One PHN bag na lang per group para tipid at huwag ng dalhin ang buong laman ng clinical bag. Kasi, ideally ang hospital o ang pasyente ang dapat na magprovide ng mga gagamitin sa nursing procedures at hindi ang student nurses. Nagbabayad na ng RLE at affiliation fee ang estudyante at naglilinkod na sa kapwa for free. Sana yung mga gamit sa kanila na... ok?


Reposted from: daphnepearl.multiply.com


Love and Bliss!

0 comments:

Post a Comment

gimme some love!! comment away!